Linggo, Enero 31, 2010

Naakyat bahay ang kapit bahay

Nakaupo ako sa bahay, relax relax lang at nagiinternet. Mga alas siyete na ng gabi, madilim na, at kararating ko lang sa bahay mula sa sm. Anyway, kakabili ko lang ng earphones kaya isinaksak ko kaagad ito sa ipod ko at nakinig ng mga Oasis song (You're gonna be the one that saves me!!!). Nasa kalagitnaan na ako ng kanta ng biglang may kumatok sa pinto namin. "Yung mga basurero na naman, hihingi na naman", sa isip ko. Ewan ko nga ba kung bakit everyweek na lang namamatayan basurero sa lugar namin, feeling ko nga may epidemia na eh (trashman flu). Kapitbahay pala...

Kapitbahay1(KB1): Tao po...
Ako: hmmm.... bakit po?
Kapitbahay2(KB2): Kararating niyo lang po ba?
Ako: Opo... bakit po? (hmmm puro "bakit po" linya ko ah)
KB1: Tatanungin ko sana kung may napansin kayong pumasok dito kanina?
Ako: ha??? Bakit po? Ano po ba problema? (Bakit po nanaman... sus)
KB1: Naakyat bahay po kasi yung isa sa kapitbahay natin?
Ako: HA!? Kailan lang? (akala mo 'bakit po' na naman no?)
KB1: Ngayon lang...
Ako: Ano po nanakaw?
KB1: pera... atm... blah blah (yung "blah blah" ako na lang yun di ko matandaan e)
Ako: Cool! (Erase... di ko sinabi yan...)

Kakatakot! Nung unang punta namin dito akala mo mga santo tao (Well... maliban na lang sa tumatakbong congressman naming kapitbahay na akala mo mamatay pag di makabusina ng labinlimang beses). Wala talagang perpekto na neighborhood. tsk tsk tsk. Magsasara na nga ako ng pinto at baka kami naman masunod!