Linggo, Nobyembre 28, 2010

Wow

Nagulanta ako meron pala akong Blog lol...

Linggo, Abril 18, 2010

Semi-Weekend

Grabe kaamazing ng weekend ko ngayon.
Biyernes ng Gabi:
Pumuntang Zambales si daddy dear at naiwan akong mag isa sa aming bahay. Thankfully, nakitulog sa amin ang aking pinsang si Bill. Ayun nag guitar lessons siya sa akin at nanuod lang kami ng Legion na kahit napakamediocore naaliw naman ako dahil sa mga ibang scenes na kamukha talaga ng "Plants versus Zombies" na game at sa matandang nangangain nang leeg. ^^

Sabado ng Umaga/Tanghali (11am kasi nag start ang aming araw noon hehehe):
Nagpunta kaming KOMIKON 2010 sa UP Bahay ng Alumni. Nakakagulat kasi mapagtatanto mo dun na kahit ngayong naeetsepwera na ang komiks at ipinagpapalit na sa manga ng marami sa ating mga kababayan(don't get me wrong, oo nagbabasa rin ako ng mga manga pero bumubili pa rin ako ng komiks) andami paring mga dibuhista at mga manunulat na pinoy na pinipilit buhayin muli ang sining na ito. At ang mas lalo pang nakakamangha ay ang katotohanang kahit na walang pondo o suportang natatatanggap ang mga kartunista at mga manunulat na ito, makikita mo talagang nahuhuli lang tayo ng kaunti sa ibang bansa sa pondo pero ang istorya at ang pagkakaguhit sa mga ito ay pwede ng maikumpara sa comics/manga nang ibang bansa.
Kaliwa't kanan ang mga stalls na nagbebenta ng mga napakamurang komiks (presyo ay gumigitna sa 15 hanggang 400, ang average na presyo siguro ay 75 at ang median siguro ay 40). Andaming mga kartunis mula sa mga sikat na sina Manix Abrera at Pol Medina (na hindi ko naman nakita) hanggang sa mga yung nagsisimula pa lang pasukin ang industriya. Hindi lang pala komiks ang meron sa komikon, meron ding mga damit (siyempre komiks/manga/comics-related), vcd, mga stalls na pwede kang magpasketch nang mukha (na 200 at nanghihinayang ako't di ko napadrawing ang aking mukha hehe), mga drawing workshops at mga games (na ang premyo ay tsaran komiks). Kahit na mga isa't kalahitng oras lang ako nakatambay sa komikon napakasaya ko pa rin at nakapunta ako sa isang event na susuporta sa mga pinoy artists. Hindi niyo naitatanong naka 16 akong komiks duon na worth 500+ all in all pero hindi ako nanghihinayang kasi ang bawat pisong nagasta sa komikon ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng industriya sa bansa.

Sabado ng Gabi:
Biglang nagtext ang aking kaibigang si Mikko na nagtatanong kung gusto ko daw ba magdinner sa Jollibee katipunan with the North Alliance. Nung una, medyo nag iisip isip pa ako kung talaga bang pupunta ako duon kasi unang una nasa bahay pa namin si Bill nuon at dahil nga napagastos na ako sa Komikon medyo nakakapanghinayang naman na gumastos uli. Thankfully, pinauwi na nila Tita Arcee si Bill at thankfully din di ako masyadong kuripot nung time na yun. ^^. So ayun nagpunta ako sa Jollibee kung saan nagkitakita at nagdinner kami nila Mikko, San, at Elmerei. Pagkatapos naming kumain ng pagkatagal tagal at madebunk ang ideang magsiyesta muna kami duon sa Jollibee. Naisipan naman naming pumuntang Mushroom Burger na katabi lang din ng Jollibee pero hindi na kami tumuloy kasi mukha lang siyang pinasosyal na karinderia. At ayun wala kaming magawa kaya naglakad lakad kami sa mga eskinita ng QC hanggang sa mapunta kami sa Ice Cream Factory along Anonas Extension na uber sa sulit kasi sobrang mura at sobrang sarap pa! Ayun kasi nga sobrang busog na busog na kami at mukhang maraming masasarap na pagkakainan pa duon, wala na kaming ibang magawa kundi magplano na lang na sa susunod na labas dun naman ang punta namin after katips. At since malapit na kami sa UP linakad na namin, from Anonas Ext. to Maginhawa to Quezon Hall. Grabe, ang haba pala nun siguro sobrang proud na si Ms. Amy Austria (prof namin sa pe ni san na walking for fitness) sa amin. Sa Quezon Hall, nagkwentuhan na lang kami tungkol napakaraming bagay. Mga midnight na kami umalis duon at umuwi.

Napakafulfilling at napakafun talaga ng saturday ko salamat kina Bill, San, Mikko at Elmerei. Sana maulit uli. :)

Huwebes, Abril 15, 2010

Ang bagong gising.

Ang sarap palang matulog.
Ang sarap palang matulog kapag sobrang init.
Ang sarap palang matulog kapag ilang araw ka nang puyat.
Ang sarap palang matulog kapag pagod ka na.

Kapag pagod ka na sa kakalakad,
Kapag pagod ka na sa kakaaral,
Kapag pagod ka na sa kakaisip,
Kapag pagod ka na sa kakapangarap,
Kapag pagod ka na sa kakatingin, matulog ka.

At pagkagising mo, mararamdaman mo
nawala na ang lahat ng pagod,
nawala na ang lahat ng stress,
nawala na ang lahat ng mga bagay na ikinakasama ng loob mo,

na handa ka nang saluhin ang mga panibagong kapaguran
na unti unti namang naiipon
hanggang sa puntong hindi mo na kaya at itutulog mo na lang ito uli.

O napakasarap talaga ng tulog
sapagkat binibigyan tayo nito ng panahong makapagpahinga
sapagkat binibigyan tayo nito ng isang pansamantalang kanlungan mula sa hassles ng buhay

Kaya't namnamin mo ang bawat pagkakataong ika'y pwedeng matulog, dahil ang tulog ay isa sa mga pinakamagandang biyaya ng diyos sa atin


Miyerkules, Marso 17, 2010

Walang iwanan... sus

Hindi ako nagbubuhat ng sariling bangko, alam ng lahat ng mga kaibigan ko na hindi ako nang iiwan. Alam ko na kasi yung pakiramdam nang laging naiiwan. Alam ko na yung pakiramdam nang laging naghahabol. Alam ko na yung pakiramdam nang laging nalilimutan sa uwian.

Kahit ano handa kitang tulongan kahit saan handa kitang samahan at kahit sino handa kong pakisamahan. Ganun ka sa akin. Mahalaga ka eh, kasi nga kaibigan kita. Kasi nga ayaw kong mangyari sayo yung nangyari sa akin nun.

Pero pucha naman isa lang naman hinihingi ko. Samahan mo rin ako. Hindi ko kayang sumabay sayo kung ikaw mismo ayaw sumabay sa akin. Marahil akala mo'y okay lang sa akin yung kinakalimutan ako kasi nga nakikita mo kong masaya't pawis na pawis habang pilit humahabol sa inyo. Marahil akala mo'y hindi ako nasasaktan habang nakangiti't napapansing lumalaki na ang distansya nating dalawa. Marahil, pero hindi. Hindi ako okay, ang sakit sakit kasi nakikita kong isa lang pala akong asong naghahabol sa taong ayaw magpahabol.

Wala daw iwanan... sus...

Lunes, Pebrero 22, 2010

Oy Pare

Wala akong magawa kaya gumawa ako ng kanta...
Verse: G - F
Refrain: Am - B (2x) Am - D

================================
Oy pare!
Bat anlungkot mo na naman
Inom tayo
At pag usapan natin yan

Oy pare!
Sinabi naman sayong magtapat ka na
Kung iisipin
Kasalanan mo yan at torpe ka

Ref:
Sa kakahintay ng tsansa
Hindi na nakalarga
Naunahan ka na
Walang ka pa ring ginagawa
Sayang kaibigan
Pero ok lang yan (ok lang yan)

Oy pare
Ano ba nagyare sayo't natorpe ka?
Pero di ba?
Lagi mo naman siyang kasama

Ref2:
Kung magbiruan nga kayo
Parang kayo na talaga
Siguro nga dahil hindi mo lang masabi talaga
Sayang kaibigan
Pero ok lang yan (ok lang yan)

Oy pare
Hayaan mo na yan at marami pang iba

Ref3:
Wag kang mag alala may nagmamahal pa rin sayo
Tandaan mo lang andito kame para sa iyo
O paaaaaaare
Hayaan mo na yan!

(Hayaan mo na yan)

Sabado, Pebrero 20, 2010

Post-examsweek syndrome

Andaming closure na naganap this past week sa buhay ko. Natapos na ang kinatatakutang chain of exams (combo siya ng Math 55, Physics 72 at ES 11), pati ang mp namin sa CE 26 ay natapos na din kaya ayun, ngayon wala na akong malamang gawin sa bahay kundi mag dota, mag gitara at mag stalk ng kung sinu-sino sa facebook (siyempre naka priority "siya" haha ;)). At hindi ko alam kung bakit, pero this past few days nakokonsensya ako every time na gumagawa ako nang mga nonacad-related na mga bagay bagay. Feeling ko gulat pa rin ang katawan ko sa sudden reduction of stress or baka mayroon na akong "post-examsweek syndrome" dahil nung last last week halos puro notes lang ang hawak ko (osyetwagnamansanaayawkongmagingnerd(uli)).

Para sa mga hindi nakakaalam, ang post-examsweek syndrome ay isang sakit sa utak na nakukuha ng mga taong nagpapaka iskolar ng bayan o nag aaral para sa sandamukal na exams. Ito ay kadalasang nadarama pagkatapos ng mga eksams, kung kailan pilit gumagawa ng mga bagay bagay na pinaka malayo sa libro as possible pero dahil nga katatapos lang ng exam ay nakokonsensya dahil di nag aral. Para ma madaling intindihin basahin ang mga sumusunod:

Bago mag exam: heart= 30%GC(grade conscious) + 70% BUM
1 week before exam: heart = 80% GC +20% BUM
2 days before exam: heart = 100% GC
Exam na: heart = 100% GC (at pinipilit pang lagpasan)
After Exam: heart = 90% GC + 10% BUM

Pero dahil nga katatapos lang ng exam, madalas pinipilit ng estudyante na mag liwaliw muna kaso dahil 90% GC heart pa lang siya nung time na yun, hindi pa nakaka adjust ang puso niya to BUM mode kaya ayun inaatake siya ng "post-examsweek syndrome".

Mga pwedeng gawin para hindi magkaroon ng ganitong uri ng sakit:
1) Pumunta sa isang sulok ng kwarto at umiyak
2) Lumapit sa mga friends mong halatadong hindi nag aral para tumaas ang iyong morale (siyempre alam mo ng mas mataas ka sa kanila haha)
3) Makipag debate sa isang matalino mong friend at magbanggit ng kung anu anong mga principles and laws ni chorva na di naman nag eexist para kabahan siya dahil di niya naaral yun (kasi nga gawa gawa mo lang yun)
4) Maghanap ng friend at mag group crying session kayo
5) Hanapin ang iyong crush at sabayan umuwi siguradong pawi ang sakit na naidulot sayo ng exam nun!
6) Ibuka ang bibig at hintaying may langaw na maseduce sa iyong hininga at pumasok sa iyong bibig
7) Gumawa ng mga bagay bagay na nakakahiya (hindi ka na GC heart nun... walang hiya ka na!)
8) Umuwi sa bahay at sabihing nabuntis/nakabuntis ka para matuwa naman magulang mo at magkakaapo na sila
9) Mag makaawa sa prof na magbigay ng maraming partial points
10) Makipagpustahan sa kaibigan mong matalino na kung sinong mas mataas manlilibre, kung tumanggi siya ipag sigawan sa lahat na ang yabang yabang niya para pumayag siya sa pustahan at ultimately magkaroon ka ng libreng food pag lumabas na ang results.

Miyerkules, Pebrero 10, 2010

100% theory...

100% theory ay iminungkahi ni Mavericks Balitaan ng UP diliman...

100% theory:
"Bawat tao ay may 100 percent luck na nababawasan habang sinuswerte ka... kunwari may naka 100% ka sa geol11 siguradong 0% ka sa onse..."

Feeling ko ito ang law na nag govern sa aking araw ngayon.

Kaninang umaga, nalaman kong wala palang pasok sa CE26 at dahil dyan nakaaral ako sa onse. So 100 babawasan na ng 10, 90! Sa math naman nagsagot kami ng samplex at dinagdagan pa na walang pasok sa friday, swerte uli minus 10. 80 na lang madami dami pa. Pagdating ng physics, andami gagawin malas plus 15. 95 na ulis weeh!! Pagdating ng Geol11, relatively swerte kasi hindi ganong nakakatakot ang "surprise" ni Mrs. Lim at naka highest ako (94%) minus 95. Shet wala na akong natitirang luck may onse pa mamaya.

Buti na lang may clause na

"Pwede ring marecharge ang luck meter sa pamamagitan ng good deeds"

Sana kayaning ipasa ako ng good deeds ko this day.