Miyerkules, Setyembre 30, 2009

Ako'y nasusura!

Nasusura sa Term Paper na di matapos tapos
Sa Dorm na walang kabuhay buhay pag walang pasok
Sa Dota na di ko malaro dahil sa paper
Sa mga kadota kong di ko nakakadota kasi di ko alam kong saan nagpunta
Sa blogspot na dahil di ko napost ang una kong post
Sa pag move ng start ng sembreak... nabawasan tuloy sembreak namin
Sa 71.1 practicals dahil feeling ko bagsak ako
Kay Ondoy (yung bagyo) dahil andaming nasira at namatay
Sa Global Warming kasi umiinit, lumalakas ang bagyo, at lumalakas ang ulan
Sa mga magulang at ninuno natin dahil sila ang nagsimula ng lahat ng ito
Sa atin kasi ipanagpapatuloy natin ang gawa nila
Sa akin kasi mareklamo ako ngunit tamad

At higit sa lahat sa mga taong add ng add sa akin sa facebook at fs kahit di ko naman kilala!

Haha wala lang sobra lang talaga ang nabobore kakabasa ng mga libro about sa hypnosis at sa utak kahit eng'g student ako...

Ipagpaumanhin niyo po sana kung bakit ganito ang porma ng aking mga post.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento