Linggo, Pebrero 7, 2010

Nalulunod na ako...

Nasubukan mo na ba yung tipong kahapon lang petiks petiks ka, ngayong parang kabuting nagsilabasan ang mga dapat gawin tapos sasabayan pa ng sangkatutak na mga pangyayaring ang hirap lunokin. Pakiramdam ko nalulunod na ako't wala akong magawa.

Ililista ko lang ang ilang mga kadahilanan ng aking pag eemo ngayon:

1) ACAD pile up - eto napapala ng mga batang mahilig mag 'teka lang' sa mga bagay bagay. OO, naiistress din ako sa aking acad life. Biruin mo ba naman kasi, tatlong exam sunod sunod next week tapos mayroon pang MP na mapapamura ka sa hirap at isang prof na nag aamok sa mga kadahilanang hindi naman ka 'amok-amok'.

2) Mga bagay bagay na hindi sumasang ayon sa plano - alam mo yung tipong siguradong sigurado ka na sa mga mangyayari ngunit bigla na lang magkakaroon ng game changing event na kung saan talo ka kaagad. Ang hirap di ba? Paano pa kaya kung 3 concurrent na ganyan mafeel mo.

3) Sa mga taong laging deadma - mga taong nagpapalubog. Hindi naman sa sinasabi kong perpekto ako pero alam mo ba yung feeling na wala ka namang ginawang masama, yung sa iyo nagawa mo naman ng mabuti pero pag dating ng parte puro walang kwenta, in short BULLs**t! Tapos susubukan mong magparinig at magmakaawa na ayusin ang gawa pero ang mangyayari pasok lang sa isang tenga niya lalabas naman sa isa. Kulang na lang sabihin mong "TOL, mahiya ka naman di mo ba napapansin ikaw na lang lagi ang nagpapababa sa atin, gawin mo naman ng tama. Wag mo ako ipahamak!" Pero ayun wala pa ring pake!

4) Sa taong iyon na in denial ka pa rin sa nadarama mo pero nasasaktan ka naman sa tuwing nakikita mong hanggang kaibigan ka lang at may taong mas higit sa iyo sa kanya.

5) Sa mga desisyong di ko alam ang gagawin at iniisip mo pa ang pinakamagandang gawin pero di sapat ang oras kaya't napapapili ako at nagsisi sa huli.

1 komento:

  1. Umeemo na talaga sa Brent. Ipagpatuloy mo lang kaibigan!

    Panalo ang ikaapat, I can feel for you.

    May kulang pa dito eh, sa taong laging nangungulit na lumabas kahit na may exam pa na pinaghahandaan.

    TumugonBurahin